Bakit Ginagawa ng Tao ang mga Bagay na Hindi niya Gusto
Nagkaroon ka ba ng pagkakataon na pumili ng araw at lugar ng iyong kapanganakan? O pumili man lang ng iyong mga magiging magulang? Hindi di ba? Dahil may mga bagay dito sa mundo na nakukuha natin kahit hindi natin gustuhin at may mga bagay din naming kahit gustuhin natin ay hindi kailnman mapapasaatin.
Sabi nila, masarap gawin ang isang bagay lalo na kapag gusto mo ito. Yung tipong todo-effort ang ibibigay mo para lang makuha ang ninanais mo. At talaga naming napakasarap sa pakiramdam na makamit ang lahat ng ito lalo na kung talagang pinaghirapan mo. Marami kang maiisip na paraan. Kung minsan nga, umaabot pa sa punto na handa kang gumawa ng masama, itaya ang sarili mong buhay para sa mga ito. Kung sa bagay, sino nga naman ang ayaw makuha ang mga bagay na gusto nya? Baliw na lang ata ang ganun. Ang tao ay may walang hanggang pangangailangan kaya paniguradong walang hanggan din ang kanyang mga kagustuhan.
Maraming pwedeng dahilan kung bakit ginagawa ng tao ang mga bagay na labag sa kaniyang kalooban.
Una, dahil sa ito na lamang ang natitirang paraan upang makatawid sa pamumuhay. May mga bagay talaga na kung minsan ay lumilihis sa ating mga kagustuhan at sa kabila ng pagsusumikap mo e wala pa rin talaga. Sabi nga sa telenovela, “Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo.” Wari bang isang kotse sa kahabaan ng Hi-way 54,habang tumatakbo ito, minsan hindi maiwasan ang magbagal, lumiko at huminto. May mga pagkakataon ding makaksagasa ka ng mga di kanais nais na bagay ngunit hindi mo ito maaaring iwasan dahil sa oras na ginawa mo ito, ay siguradong sasalpok ka sa iba pang kotseng kasabayan mo. Kahit anong kagustuhan ng driver na wag lumiko at huminto, wala na syang iba pang magagawa dahil ito na ang daan, ang nakatakda. Ginagawa mo ang mga bagay na hindi mo gusto upang mabuhay ditto sa mundo.
Pangalawa. Nakagagawa ka ng mga bagay na taliwas sa iyong kagustuhan dahil sa ito ang dikta ng mga taong nakapaligid sa iyo. “No man is an Island” ika nga. Walang sinuman ang may kakayanang mabuhay ng mag-isa ditto sa mundo. Kailangang makisama at makihalobilo sa mga taong nakapaligid sa iyo. At sa kalagitnaan ng iyong pakikisama at pakikihalobilo sa kanila, hindi mo maiiwasan ang magpahalaga sa iyong kapwa. Minsan darating sap unto na kailangan mong mamili sa kagustuhan mo at sa hindi upang pangalagaan ang damdamin ng mga taong pinapahalagahan mo dahil sa oras na ipagpilitan mo ang kagustuhan mo ay siguradong sila ang masasaktan. Ginagawa mo an mga bagay na hindi mo gusto upang protektahan at alagaan ang damdamin ng mga taong mahalaga sa iyo.
Pangatlo. Kailangan mong gawin ang mga bagay na hindi mo gusto dahil ito ang makabubuti sa iyo ayon sa mga magulang mo. Ang mga magulang natin an gating kaunaunahang tagapagturo natin sa tanan n gating buhay. Sila ang primera klaseng humuhubog sa atin bilang isang taong katanggap tanggap sa lipunang ating ginagalawan. Simula pa sa ating pagkabata, sinasabi na nila sa atin kung ano ang nararapat nating gawin. Noong una, dahil bata ka pa, walang problema sa iyo ang pagsunod. Ngunit simula ng nagkaisip ka na, unti-unti ng nag-iiba ang tingin mo sa mga ginagawang ito ng mga magulang mo. Dumarating ang pagkakataon na ang mga bagay na ibinubolong nila sa iyo ay ang mga bagay na labag sa kagustuhan mo. At minsan, sa ilang pagkakataon, ito ang nagiging dahilan ng pagrerebelde ng mga anak sa kanilang mga magulang. Ito ang tatandaan mo, “walang sinumang magulang ang nagnanais na mapasama ang kanilang mga anak.” Kailangan mong tanggapin na ang mga ginagawa nila ay para rin sa iyo. Sana maalala mo ang mga pagmamalasakit nila sa iyo. Isusubo na lang nila ang pagkain, iluluwa pa nila upang may maibigay sa iyo. Ginagawa mo ang mga bagay na hindi mo gusto dahil ito ang makabubuti sa iyo.
Kailngan mong gawin ang mga bagay na ito upang maka-“survive” sa magulong pamumuhay ditto sa lupa. Gagawin mo ito dahil ito ang hinihingi ng pagkakataon, ang sakripisyo mo para sa mga kaibigan mo at ang pagsunod mo sa iyong mga magulang. Subalit, sa kabila ng kamalayan ng iba sa paggawa ng mga bagay na hindi nila gusto, mayroon pa ring mga taong ginugupo ng kalungkutan, dinadaig ng karuwagan, sinusupil kabagabagan dahil hanggang sa pagkakataon na ito ay hindi pa rin nila nauunawaan ang kahalagahan ng paggawa ng labag sa kalooban. Kaya kaibigan ko, gusto mo ba ang ginagawa mo? Maaaring sa ngayon ay gusto mo yan, ngunit sinisiguro ko sa iyo na magugulat ka sa sorpresa ng mundong ito. Magugulat ka na lang na ang tanging paraan na lamang ay ang paglabag sa sarili mong kagustuhan.



